ITONG Landas, na tinahak noong unang panahon ng
ating litong mga katauhan, noong hindi pa sumasagi sa mga isipang ito ang mga
direksyon, ay napili sa lubos na kalituhan at kawalan. Kaakibat niya ang mga
kamalian at lalung-lalo na ang mga pagsubok, sila ay tinahak at sinundan ng mga
paa, mabagal ang pagliwanag ng lahat ng sulok, kayat dahil dito'y madilim ang
hinaharap ng lahat. Lungko't lito at ilang mga emosyon ay madaling madama at
maisip ng talagang lito nating mga sarili.
Dumating ang mga kaibigan at dumulog na tutulungan.
Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo'y dadalin sa lalong kagalingan, at
lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing pagtulong ay nangyaring nauwi
sa mali ng kanilang desisyon sa pagpili.Gayon man, sila'y nakatulong sa maliit
na problema ng mga naliligaw na nalulungkot at binawasan ang kanilang pagkakaba
sa pamamagitan ng isang paguusap na binubuo ng kaunting biro sa kani-kanilang
mga mali, at yao'y tinanggap at inunawa nilang kapwa , tanda ng tunay at lubos
na pagtatapat na hindi magtataksil sa pagkakaibigan. Ito'y siyang tinuring na pangako
ng kaibigan at ni Ella na naliligaw ng landas.
Buhat nang ito'y mangyari ay bumibilang na ngayon
sa tatlong semestre mahigit na ang landas ni Ella ay ating hinahanap sa lubos
na kaguluhan; ating tinatanaw at hinahabol, kahit abutin natin ang kasalatan at
kapaguran. Ginugugol natin ang yaman, oras at buong kaisipan sa paghahanap sa
kanila; Hinaharap natin lahat ng mahirap na mga pagsubok na ayaw pumayag na sa
kanila ay makarating, at gayon din naman nakipagtalo tayo sa mga duda at mga kaba
na nagbalak na umagaw sa kanila nitong tiwala.
Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa
nating paghahanap ang nagdala ng kasagutan na kailangan sa ating buhay? Ano ang
nakikita nating paglilinaw sa kanilang kalituhan na siyang naging dahilan ng
ating pagkaligaw? Wala kundi pawang katahimikan ang hatid sa ating mga tenga.
At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong gigisingin sa
kagalingan? Bagkus tayo'y pinasaya, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, patuloy
na niligaw ang nawawala at nalilitong isip ng ating sarili. Iminulat tayo sa isang
maling paniniwala at isinadlak sa lubak ng kawalan ang kasagutan ng ating tanong.
At kung tayo'y mangahas humingi ng kahit maliit na
pabor, ang nagiging kasagutan ay ang tayo'y iwasan at iwanan sa piling ng ating
nagiisang mga sarili, hangin at katahimikan. Ang bawat isang himutok na pumulas
sa ating dibdib ay itinuturing na isang mababaw na pagrereklamo at karakarakang sinasagot ng malakas na pagtawa.
Ngayon, wala nang maituturing na kapanatagan sa
ating sarili. Ngayon, lagi nang nababalot ang ating katauhan ng umaalingawngaw
na katahimikan at pagaalinlangan, buntong-hininga at iyak ng malungkot na estudyante,
dalaga't mga magulang ng mga kabataang iniligaw ng mga masasamang bisyo.
Ngayon, tayo'y maliligaw na sa nagkakalitong landas
ng buhay sa mapaglinlang na mundo ng tao, sa gubat ng pangarap na tinatago ng kasakiman,
na ang bawat daan ay katulad ng isang gumagapang na ugat na nagsusuot sa napakaraming
lugar ng ating lupang malawak. Ngayon, lalo't lalo tayong nahahadlangan ng problemang
nakalilito sa bawat taong may hinahanap na landas.
Ano ang nararapat nating gawin?
Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silanganan ay
malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat
nating tunguhin. Ang liwanag niya'y tanglaw sa ating mga mata upang makita
natin ang mga kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal.
Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang
maaantay kundi lalo't lalong kahirapan, lalo't lalong kataksilan, lalo't lalong
kaalipustaan, at lalo't lalong kaalipinan.
Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang
panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi
mangyayari.
Itinuturo ng katwiran na tayo'y umasa sa ating
sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.
Itinuturo ng katwiran na tayo'y magkaisang-loob,
magkaisang-isip at akala, at tayo'y magkalakas na maihanap ng lunas ang
naghaharing kasamaan sa ating Sarili.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng
katotohanan.
Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may
sariling pagdaramdam, may isip, may lakas at patutunguhan.
Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat
ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa
ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makita ng mga naliligaw ang landas ng
kanilang mga pangarap. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin
ay lumalapit tayo at umaakyat sa pataas na hagdan ng hinaharap na sa atin ay tinatago
ng mga kaaway.
Kaya, O mga knaliligawan! Ating idilat ang nabulag
na kaisipan, at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos
na pag-asa na magtagumpay sa minimithing kaganapan ng hinanaharap na
pinapangarap.